Miyerkules, Abril 17, 2013

Lety's Buko Pie - The Best Buko Pie in Pansol Laguna....


Opo ang Lety's Buko Pie para sa kin ang pinakamasarap na Buko Pie sa Pansol, Laguna, mag iingat po kayo sa ibang mga Buko Pie na nagtitinda kasi po baka makakuha kayo ng mga reheat at medyo panis at matitigas nang buko pie :) sayang lang din buti na lang nasa pansol pa ko nung nakabili ko ng hindi magandang buko pie naisoli naman po sa kin ung bayad kaya nakabili ako sa Lety's ng Bukopie at Cassava Cake nila :)


Sa Lety's mas maraming buko at malalambot ang mga buko nito hindi kagaya ng iba na parang niyog na sa tigas at maasim pa dahil nga karamihan sa mga yun reheat na....

At ang masarap na cassava ng Lety's.

Summer sa Pansol - Southwinds Resort at Lety's Buko Pie The Best Bukopie in Pansol


Hay grabe sobrang init.... syempre summer dapat may summer outing :) pero sa totoo lang sabit lng talaga kami sa outing na to, kaya naman hindi namin alam na warm pala ang water dito hahaha obvious ba nasa Pansol ka uso kaya ang warm water at hotspring dito (kamot ulo)....



Maliban sa warm water na dumagdag sa init ng panahon, maganda ung mga pool malalaki at malilinis mula 2ft na pambata hanggang 5 ft :) (2ft-3ft-4ft-5ft) yan ung mga pool size nila....

5 Ft





2 ft Kiddie pool



Resto




Best Schools for High School

Bakasyon na nman at I'm sure maraming nagtapos ng grade six na nakapagdecide na kung saan sila papasok ng high school, anu ano nga ba ang batayan para malaman kung anong magandang schools na dapat pasukan ng isang high schoolers...

Mapa public o private man yan andun parin ang choices....

Syempre unang tintingnan eh ung budget then ung paraan ng pagtuturo, ung mga extra curriculum at activities sa loob ng school, kasunod niyan ung layo ng school importante un base sa experience ko pag malayo ang school mo at traffic lagi kang late :) or mas gusto mo na lang icut ung first subject mo ng buo kasi nga late ka kesa pagalitan ka ni teacher diba...

Since galing ako sa Kilalang Catholic School sa Guadalupe, Makati (1st-2nd year) napakaganda ng pagtuturo nila dun, nung una naiirita lang ako sa kaka Ms. kasi un ung tawag namin sa mga Teachers namin dun siguro ung mga galing ng St. Paul Makati sanay dun kasi Elementary Catholic School naman ang St. Paul? eh ako sa (Public- Nemesio I Yabut na ngayon) Guadalupe Elementary School galing bago kasi sakin ung tawag na ganun kahit may asawa na si Tr eh Ms. pa din :).

Pero hindi biro ang makapasa sa GCS (Guadalupe Catholic School) bago ka maging first year dun dapat grade six pa lang hinanda mo na ung mga grades mo 85 pataas lang ata ang tinatanggap dun nung panahon ko ewan ko lang ngayon :) bukod sa mataas ang tuition fee dapat mataas din ang makukuha mo sa entrance exam nila na talaga namang to highest level and advance which is yun ang maganda. Maraming magagaling na Teacher dun lalo na si Bb. Pen Machate :)
Nakakamiss isa sa pinakamabait at pinakamgaling na Teacher ko yan :) parang hindi lang siya nagbabago birun mo after 19 long years, hindi ko nga alam kung kilala pa ko ni Ms. eh. Syempre marami pang teacher na magagaling sa loob ng GCS hindi ka magdadalawang isip na dun pumasok kung gusto mo ng malupit na standard to the highest level sila.

After 2nd year since kapos sa budget at nagbreak ang nanay at tatay ko bigla akong nilipat nang nanay ko sa AUJASHS, dun nagsimula ang nightmare ng highschool life k,o syempre may magagandang nangyari din sa kin ung gaya ng mga totoong tropang hanggang ngayon eh tropa pa din... pero pag dating sa grading system at pagtuturo ewan sa langaw, gaya nga ng sabi ko masyadong advance ang GCS so sa AU halos tintake up na namin ung lesson sa GCS kaya madali na sa kin sundan ung sa AU parang inulit na nga lang eh... to my surprise charan!!! first grading oh my! complete attendance in fairness, walang late baguhan eh bawal pa magpasaway :D grabe ang tino ko ha tapos ang isasampal saking grades 78,77,79,76?????? sa GCS advance na turo ni wala kong line of 7, pinakamababa ko na ata ang 85 dun nak ng pitong kuba, anyare AU??? hanggang fourth grading puro ganun ang grades wow nakaka push naman mag aral, nakakamotivate naman ung mga grades ko diba perfect attendance at ang tataas ng mga grades ko sa quizzes at periodical exam pero sa card ganyan ang grades hala! bakit?!? di ko alam anong ginagamit ng AU sa pag compute ng mga grades in fairness o dahil transferee ako at ang section dun first pay first serve basis sa tuition fee??? kaloka....

Kaya nung nag 4th year ako sumakit ang ulo nilang lahat sa kin ako ba naman hindi na pumasok eh pero pag may mga quiz at test present :D taka sila kasi mataas pa din scores ko kahit di ako napasok at sistema ganun pa din ang grades walang pinagbago, ano ba naman tong eskwelahan na to, nyahahah ganda nga ng form 137 ko 1st to 2nd year gaganda ng grades pagdating ng 3rd to 4th year parang nag landslide..... grumaduate ako ng may 76 na average ganda diba....kaya nauwi din ako sa private na college ang TRACE MAKATI sila lng ang tumanggap sa grades ko eh :D.....

Kaya naman sa mga mag hihighschool sana lang makakuha kayo ng school na matino kasi yung high school niyo ang magbibigay ng magandang direksyon ng College life niyo... Good Luck :D



Linggo, Abril 14, 2013

Halo Halo Hunting

Razons Halo Halo

Dahil sobrang init nung nakaraang linggo nagdecide kaming kumain ng Halo-halo sa Razons SM City Sta. Rosa, syempre sabi nila masarap daw at since first time kong natikman masarap nga pero hindi ganun kasarap na pwede mong ipangalandakang sobrang sarap pero in fairness dinadayo siya at punuan siya, ang pinagkaiba lang niya sa iba eh dahil may pagkapino ang yelo nya, at sa milk na sila bumawi, nung unang punta namin ok naman walang masyadong sablay.

After a week, so kahapon binalikan namin ang the most well known halo halo in town pero dahil sobrang dami ng tao punuan bukas ang likod para sa mga sobrang tao, may malaking parasols dun at mga bilog na tables and chairs para sa mga umaapaw na tao, at dahil wala na kaming maupuan dun kami sa likod pumwesto, to my surprise, hindi ko alam kung anu meron ung service crew nila at hindi man lang nangiti pati si manong guard parang walang pakialam, nagbigay ng halo halo si service crew sa isang table at nadaanan niya ung 2 table na mdumi hindi pa nalilinisan etc, ung table namin at ung table nung katapat namin, dinaanan lang kami nun at ilang minto pa ang lumipas eh hindi talaga nila nilinis ung table hanggang sa ung panganay kong anak ang nag alis isa isa ng mga baso at dumi sa table namin at nilipat sa kabilang mesa since wala pa naman tao dun. Dumating ang halo halo namin at nakita ni Ms Service Crew na madumi pa ung mesa namin na hindi pa napupunasan, sabi ko "teh di pa nalilinisan ung table namin", "ganun po ba" un lang ang sagot niya since alam ko na din na di na  kami babalikan dahil sobrang busy siguro nila, kami n lng nagpunas ng table namin since madaming tissueng binigay si ms. crew....  etoh pa isa, ok lang na bading ka wag ka lang masyadong magtinaray diba hahah kasi ung katapat naming table may nakaupo na, ngayon ung bading na crew dinaanan lang ung mduming mesa nung guest paglampas ni crew sabi nung Guest,  Pakialis namin tong dumi dito sa mesa o pwede? tapos umalis na ung crew pagbalik may dalang tray na lalagyan ng mga hugasin at kalat ng table pag alis ng crew, sabi ni Guest kung hindi mo pa irerequest hindi lilinisin ang table nangiti lng ako at sinabing baka po self service :) napangiti na din si Guest, si Manong Guard naman din parang walang gustong gawin kundi buksan at isara lang ang backdoor ng Razons, hindi man lang sabihan ung mga crew sa loob na pakilinisan ung mga table dun sa labas kasi may mga guest na dun nanlilimahid ung mga mesa, nakikita na niyang nililinis na ng anak ko ung table namin at nagiimis ng mga baso at kalat at nililipat sa kabilang table hindi malaman ni manomg  guard kung sisitahin ung anak ko o ano eh nakakaloka.... tapos pagdating pa ng halo halo namin aun, sobrang tamis at titigas ng sahog I swear msarap daw siya sabi nila siguro nga may mga time na masarap un, pero not yesterday, it was a big fail yesterday from service to taste.....


Goldilocks Sm City Sta. Rosa Halo Halo


Well so far ang Goldilocks Halo Halo ay may lasang Traditional Pinoy Halo Halo, maraming sahog at may makukulay na sago't gulaman na I'm sure inenjoy ng bunso ko ng husto... since dessert at busog na, nakaubos pa rin siya ng isang basong special halo halo ng Goldi... para sa kin naman mas preferred ko ung ganitong halo halo masarap at hindi masyadong matamis, maraming sahog na nagbibigay ng ibat ibang flavor na nagbeblend, may ice cream sa top na nagbibigay ng linamnam na lasa at may extra sugar sa sachet in case na gusto mo ng extra sweet :) mas mabuti na din ung ganun kesa sobrang tamis di mo na alam kung pano mo babawasan ng tamis :/ ....

Biyernes, Abril 12, 2013

BFF ko si PC

Oo, hindi ako mahilig sa computer at hindi ko din balak magtapos sa kursong may kinalaman sa computer ang Title gaya nang natapos kong Computer Science at dahil nga hindi ako masyadong mahilig dito hanggang 2 years lang ako, Associate ika nga. Pero may lovestory kami nitong bestfriend ko kung bakit hanggang ngayon siya pa rin ang dahilan at medyo ok ang buhay ko, eversince kasi lifesaver ko na to, kahit nga sa hindi ko malamang dahilan lagi siyang nandiyan para sa kin...

Una kong nakilala ang computer noong 1st year high school ako, syempre private catholic school kaya ok sa alright ang mga facilties kasi noon masaya na ang mga estudyante pag may computer room :) malay ko bang 486 lng siya noon. Na meet ko si Dos, si Wordstar at si Lotus123 biruin mo un :) ang cucute nila sa monitor noon. Naaliw lang akong pag aralan ang kung anu anong binary at kung anumang tawag sa mga lessons tungkol sa history ng computer, at walang kupas un, hanggang ngayon kasi pinag aaralan parin malamang sa history ng pc si Ginoong Pascal.

Syempre dahil nacucute-an ako sa mga computer noon, hindi ko na napapansin na medyo napapantastikuhan ako sa kanya habang iniisa isa ng Ms. (Call Sign ng mga Teacher sa Catholic School) (WAB) namin noon ang iba't ibang aralin tungkol dito. yada yada yada....to cut the story short about high school sweetheart namin ni pc eh naging mag bestfriend kami nito dahil naging assistant ako ng computer teacher ko (sabi kasi nila sipsip daw ako).

3rd Year High School nalipat ako sa isang kasuklam suklam na school na isusulat ko sa ibang mga blogs ko, ung school na to ung parang ayaw ng transferee oh well ayoko din sa kanya. Well bakit ba ko napunta dito..., ah kasi pala malaki ang naging bahagi ng computer kung bakit ako nakagraduate sa bulok na eskwelahan na to hmpf. - Yun nga nung 3rd year nalipat ako dito syempre hindi naman sa kung anu paman magsasabi lng ako n totoo ewan ko kung bakit medyo slow sila dito at late ung mga tinuturo nila kumpara sa mga tinuro kung saan ako galing, in short ulit maning mani na ung mga lectures nila ksi natake ko na ang sistema middle section na nga ko sa gulat ko sa card ko for the fiirst grading puro palakol what the hell! samantalang ni wala kong line of 7 sa dating school ko, are you fucking kidding me? ganyan ang reaksyon ko grabe pinakamataas ko ata ang 79 at pinakmababa ang 77 prang ganun so dun naglalaro ung mga grades ko, ok basta 3rd year maayos lahat ng pag aaral ko grades lang ang hindi pati attendance ko perfect pero gaya ng sabi ko hindi uso ang matatalino na may magagandang grades dun di ko alam pano ang grading system nila baliktad ata....so nung nag 4th Year ako same school sinubukan ko nmang magloko at syempre expected same grades :) pumasok o hindi same grades, maperfect o hindi ang mga test same results of grades....so hindi na ko pumapasok sa favorite subject kong T.H.E as in hindi ko siya pinasukan for the whole year. at dahil na directors office na ko ng paulit ulit guidance at nagsawa na lahat ng teachers sa kin sa kakaone one on one kapanayam with the most problem student of the school well, what can I say.

Eto na 4th grading na hindi daw ako gragraduate? hahahaha sige nga pano ko hindi gragraduate? kasi daw hindi ako napasok, - bakit? short long quiz at mga test present naman ako, bagsak ba mga scores ko? attendance lang eh nagseself study ako sa house kasi ayoko nang sabihin kung bakit :) hehehehe....wala silang palag attendance? sabi ko noong 3rd year ako halos wala kong absent same grades lang nakukuha ko ngayong nag aabsent ko same scores din naman nakukuha ko sa mga test wala kong binabagsak ano bang problema ng eskwelahan na to... etoh na T.H.E nah hindi daw ako napasok kaya isusummer ko daw ito o kaya hindi talaga ako gagraduate sabi??? weh? sabi ko special project na lng po kasi the same reason lang naman po hindi talaga ko satisfied sa mga turo niyo...:) at nagalit si teacher hinamon ako ng computer showdown kasi un daw ang tinuturo niya sa T.H.E  (walang computer subject sa school na to sa T.H.E lang nilagay) syempre ako sure lang ang sinagot ko. after ng showdown nakagraduate ako syempre bestfriend ko ang computer remember :) un nga lang same grades pa rin medyo malaki galit ko sa school nato kasi etoh ang sumira ng buhay ko pisti talaga...

College life nah :) dahil 76% lng ang average ko nung highschool napunta ko sa private school malapit sa min jan lang isang sakay lng at dahil uso talaga ang computer, siya computer science daw ang kunin ko kahit na an trip ko medyo malayo dun, trip ko kasing mag aral ng art - tseh ka-artehan lng daw un :) buti naman di ko tinuloy un kasi ni gumawa ng tuwid na linya na maygamit na ruler eh hindi ko maipantay, anyway :) summer before 1st year 1st sem naging friend ko si instructor/prof chix naman eh kaya oks lng :) naging friend kami kasi nakita niya na medyo advance talaga ko sa computer whatever.... kaya awa ng Diyos naging assistant niya din ako at after noon lagi na niya kon kasama sa short term department ng school, meron din akong nakaaway na prof nun math naman tinuturo niya noon namura ko daw siya sabi niya :D fine, pero nung naging prof siya ng ms applications 123 naging assistant niya din ako in short nagkabati din kami.

After college, since 2 year course or associate in computer science lang ako at wala kong alam kung anung code meron ang isang progam well sorry dahil encoder lng ang alam kong pasukan that time. July after 3 months of job hunting pagkatapos ng graduation nung April pumasa kong Encoder/Litigation Coder sa Innodata Manila Facility sa Makati noon, ay ang saya dun hehehe kaso lang syempre hindi maiiwasana ng mga regular na trabahante dun magwelga kahit ok naman ang halos benefits nila American Company yun at maganda naman ang benefits pag naqouta ka may rice subsidy ka, may meal allowance for a month may mga gift cert na worth 500-1000, basic salary plus OT (nighshift kami kaya medyo mataas ng konti ang panggabi)  nag magshutdown un after 1 year namin dun (sayang probi na kami dun) nag job hunting ulit ako buenas na sigurong maituturing ung nabigyan ako ng opportunity na mag ibang lugar :D hahaha napunta ko sa probinsya hindi naman masyadong province kasi Luzon pa rin pero since galing akong makati napunta ko ng Laguna naging cashier ako dun for starter tapos naging encoder at naging junior graphic designer (hindi na daw kasi pwedeng graphic artist kasi pang mga expert, manualo freehand master lang daw ung tawag na un ) so siguro naman ok na ung designer o eh basta since di naman uso ang photoshop noon at sa word at excel ko pa binubuo ang mga business cards at logo at kung anu ano pa so parang desktop publication whatever baka kasi may  umangkin din ng designers hayst....ewan sa langaw.

After nun puro computer related jobs na ung naging work ko pati nga technician career to the max na din.
Hanggang ngayon na nauso na ang freelancing :) WAHM (Work at Home Mom) hindi na ko tinantanan ng BFF ko :D laki din nang naitulong sa kin ng BFF ko dahil dito kaya may new house kami ngayon at laging stock na foods sa ref.... new lifestyle kahit papano... thanks BFF :*