Razons Halo Halo
Dahil sobrang init nung nakaraang linggo nagdecide kaming kumain ng Halo-halo sa Razons SM City Sta. Rosa, syempre sabi nila masarap daw at since first time kong natikman masarap nga pero hindi ganun kasarap na pwede mong ipangalandakang sobrang sarap pero in fairness dinadayo siya at punuan siya, ang pinagkaiba lang niya sa iba eh dahil may pagkapino ang yelo nya, at sa milk na sila bumawi, nung unang punta namin ok naman walang masyadong sablay.
After a week, so kahapon binalikan namin ang the most well known halo halo in town pero dahil sobrang dami ng tao punuan bukas ang likod para sa mga sobrang tao, may malaking parasols dun at mga bilog na tables and chairs para sa mga umaapaw na tao, at dahil wala na kaming maupuan dun kami sa likod pumwesto, to my surprise, hindi ko alam kung anu meron ung service crew nila at hindi man lang nangiti pati si manong guard parang walang pakialam, nagbigay ng halo halo si service crew sa isang table at nadaanan niya ung 2 table na mdumi hindi pa nalilinisan etc, ung table namin at ung table nung katapat namin, dinaanan lang kami nun at ilang minto pa ang lumipas eh hindi talaga nila nilinis ung table hanggang sa ung panganay kong anak ang nag alis isa isa ng mga baso at dumi sa table namin at nilipat sa kabilang mesa since wala pa naman tao dun. Dumating ang halo halo namin at nakita ni Ms Service Crew na madumi pa ung mesa namin na hindi pa napupunasan, sabi ko "teh di pa nalilinisan ung table namin", "ganun po ba" un lang ang sagot niya since alam ko na din na di na kami babalikan dahil sobrang busy siguro nila, kami n lng nagpunas ng table namin since madaming tissueng binigay si ms. crew.... etoh pa isa, ok lang na bading ka wag ka lang masyadong magtinaray diba hahah kasi ung katapat naming table may nakaupo na, ngayon ung bading na crew dinaanan lang ung mduming mesa nung guest paglampas ni crew sabi nung Guest, Pakialis namin tong dumi dito sa mesa o pwede? tapos umalis na ung crew pagbalik may dalang tray na lalagyan ng mga hugasin at kalat ng table pag alis ng crew, sabi ni Guest kung hindi mo pa irerequest hindi lilinisin ang table nangiti lng ako at sinabing baka po self service :) napangiti na din si Guest, si Manong Guard naman din parang walang gustong gawin kundi buksan at isara lang ang backdoor ng Razons, hindi man lang sabihan ung mga crew sa loob na pakilinisan ung mga table dun sa labas kasi may mga guest na dun nanlilimahid ung mga mesa, nakikita na niyang nililinis na ng anak ko ung table namin at nagiimis ng mga baso at kalat at nililipat sa kabilang table hindi malaman ni manomg guard kung sisitahin ung anak ko o ano eh nakakaloka.... tapos pagdating pa ng halo halo namin aun, sobrang tamis at titigas ng sahog I swear msarap daw siya sabi nila siguro nga may mga time na masarap un, pero not yesterday, it was a big fail yesterday from service to taste.....
Goldilocks Sm City Sta. Rosa Halo Halo
Well so far ang Goldilocks Halo Halo ay may lasang Traditional Pinoy Halo Halo, maraming sahog at may makukulay na sago't gulaman na I'm sure inenjoy ng bunso ko ng husto... since dessert at busog na, nakaubos pa rin siya ng isang basong special halo halo ng Goldi... para sa kin naman mas preferred ko ung ganitong halo halo masarap at hindi masyadong matamis, maraming sahog na nagbibigay ng ibat ibang flavor na nagbeblend, may ice cream sa top na nagbibigay ng linamnam na lasa at may extra sugar sa sachet in case na gusto mo ng extra sweet :) mas mabuti na din ung ganun kesa sobrang tamis di mo na alam kung pano mo babawasan ng tamis :/ ....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento