Oo, hindi ako mahilig sa computer at hindi ko din balak magtapos sa kursong may kinalaman sa computer ang Title gaya nang natapos kong Computer Science at dahil nga hindi ako masyadong mahilig dito hanggang 2 years lang ako, Associate ika nga. Pero may lovestory kami nitong bestfriend ko kung bakit hanggang ngayon siya pa rin ang dahilan at medyo ok ang buhay ko, eversince kasi lifesaver ko na to, kahit nga sa hindi ko malamang dahilan lagi siyang nandiyan para sa kin...
Una kong nakilala ang computer noong 1st year high school ako, syempre private catholic school kaya ok sa alright ang mga facilties kasi noon masaya na ang mga estudyante pag may computer room :) malay ko bang 486 lng siya noon. Na meet ko si Dos, si Wordstar at si Lotus123 biruin mo un :) ang cucute nila sa monitor noon. Naaliw lang akong pag aralan ang kung anu anong binary at kung anumang tawag sa mga lessons tungkol sa history ng computer, at walang kupas un, hanggang ngayon kasi pinag aaralan parin malamang sa history ng pc si Ginoong Pascal.
Syempre dahil nacucute-an ako sa mga computer noon, hindi ko na napapansin na medyo napapantastikuhan ako sa kanya habang iniisa isa ng Ms. (Call Sign ng mga Teacher sa Catholic School) (WAB) namin noon ang iba't ibang aralin tungkol dito. yada yada yada....to cut the story short about high school sweetheart namin ni pc eh naging mag bestfriend kami nito dahil naging assistant ako ng computer teacher ko (sabi kasi nila sipsip daw ako).
3rd Year High School nalipat ako sa isang kasuklam suklam na school na isusulat ko sa ibang mga blogs ko, ung school na to ung parang ayaw ng transferee oh well ayoko din sa kanya. Well bakit ba ko napunta dito..., ah kasi pala malaki ang naging bahagi ng computer kung bakit ako nakagraduate sa bulok na eskwelahan na to hmpf. - Yun nga nung 3rd year nalipat ako dito syempre hindi naman sa kung anu paman magsasabi lng ako n totoo ewan ko kung bakit medyo slow sila dito at late ung mga tinuturo nila kumpara sa mga tinuro kung saan ako galing, in short ulit maning mani na ung mga lectures nila ksi natake ko na ang sistema middle section na nga ko sa gulat ko sa card ko for the fiirst grading puro palakol what the hell! samantalang ni wala kong line of 7 sa dating school ko, are you fucking kidding me? ganyan ang reaksyon ko grabe pinakamataas ko ata ang 79 at pinakmababa ang 77 prang ganun so dun naglalaro ung mga grades ko, ok basta 3rd year maayos lahat ng pag aaral ko grades lang ang hindi pati attendance ko perfect pero gaya ng sabi ko hindi uso ang matatalino na may magagandang grades dun di ko alam pano ang grading system nila baliktad ata....so nung nag 4th Year ako same school sinubukan ko nmang magloko at syempre expected same grades :) pumasok o hindi same grades, maperfect o hindi ang mga test same results of grades....so hindi na ko pumapasok sa favorite subject kong T.H.E as in hindi ko siya pinasukan for the whole year. at dahil na directors office na ko ng paulit ulit guidance at nagsawa na lahat ng teachers sa kin sa kakaone one on one kapanayam with the most problem student of the school well, what can I say.
Eto na 4th grading na hindi daw ako gragraduate? hahahaha sige nga pano ko hindi gragraduate? kasi daw hindi ako napasok, - bakit? short long quiz at mga test present naman ako, bagsak ba mga scores ko? attendance lang eh nagseself study ako sa house kasi ayoko nang sabihin kung bakit :) hehehehe....wala silang palag attendance? sabi ko noong 3rd year ako halos wala kong absent same grades lang nakukuha ko ngayong nag aabsent ko same scores din naman nakukuha ko sa mga test wala kong binabagsak ano bang problema ng eskwelahan na to... etoh na T.H.E nah hindi daw ako napasok kaya isusummer ko daw ito o kaya hindi talaga ako gagraduate sabi??? weh? sabi ko special project na lng po kasi the same reason lang naman po hindi talaga ko satisfied sa mga turo niyo...:) at nagalit si teacher hinamon ako ng computer showdown kasi un daw ang tinuturo niya sa T.H.E (walang computer subject sa school na to sa T.H.E lang nilagay) syempre ako sure lang ang sinagot ko. after ng showdown nakagraduate ako syempre bestfriend ko ang computer remember :) un nga lang same grades pa rin medyo malaki galit ko sa school nato kasi etoh ang sumira ng buhay ko pisti talaga...
College life nah :) dahil 76% lng ang average ko nung highschool napunta ko sa private school malapit sa min jan lang isang sakay lng at dahil uso talaga ang computer, siya computer science daw ang kunin ko kahit na an trip ko medyo malayo dun, trip ko kasing mag aral ng art - tseh ka-artehan lng daw un :) buti naman di ko tinuloy un kasi ni gumawa ng tuwid na linya na maygamit na ruler eh hindi ko maipantay, anyway :) summer before 1st year 1st sem naging friend ko si instructor/prof chix naman eh kaya oks lng :) naging friend kami kasi nakita niya na medyo advance talaga ko sa computer whatever.... kaya awa ng Diyos naging assistant niya din ako at after noon lagi na niya kon kasama sa short term department ng school, meron din akong nakaaway na prof nun math naman tinuturo niya noon namura ko daw siya sabi niya :D fine, pero nung naging prof siya ng ms applications 123 naging assistant niya din ako in short nagkabati din kami.
After college, since 2 year course or associate in computer science lang ako at wala kong alam kung anung code meron ang isang progam well sorry dahil encoder lng ang alam kong pasukan that time. July after 3 months of job hunting pagkatapos ng graduation nung April pumasa kong Encoder/Litigation Coder sa Innodata Manila Facility sa Makati noon, ay ang saya dun hehehe kaso lang syempre hindi maiiwasana ng mga regular na trabahante dun magwelga kahit ok naman ang halos benefits nila American Company yun at maganda naman ang benefits pag naqouta ka may rice subsidy ka, may meal allowance for a month may mga gift cert na worth 500-1000, basic salary plus OT (nighshift kami kaya medyo mataas ng konti ang panggabi) nag magshutdown un after 1 year namin dun (sayang probi na kami dun) nag job hunting ulit ako buenas na sigurong maituturing ung nabigyan ako ng opportunity na mag ibang lugar :D hahaha napunta ko sa probinsya hindi naman masyadong province kasi Luzon pa rin pero since galing akong makati napunta ko ng Laguna naging cashier ako dun for starter tapos naging encoder at naging junior graphic designer (hindi na daw kasi pwedeng graphic artist kasi pang mga expert, manualo freehand master lang daw ung tawag na un ) so siguro naman ok na ung designer o eh basta since di naman uso ang photoshop noon at sa word at excel ko pa binubuo ang mga business cards at logo at kung anu ano pa so parang desktop publication whatever baka kasi may umangkin din ng designers hayst....ewan sa langaw.
After nun puro computer related jobs na ung naging work ko pati nga technician career to the max na din.
Hanggang ngayon na nauso na ang freelancing :) WAHM (Work at Home Mom) hindi na ko tinantanan ng BFF ko :D laki din nang naitulong sa kin ng BFF ko dahil dito kaya may new house kami ngayon at laging stock na foods sa ref.... new lifestyle kahit papano... thanks BFF :*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento