Bakasyon na nman at I'm sure maraming nagtapos ng grade six na nakapagdecide na kung saan sila papasok ng high school, anu ano nga ba ang batayan para malaman kung anong magandang schools na dapat pasukan ng isang high schoolers...
Mapa public o private man yan andun parin ang choices....
Syempre unang tintingnan eh ung budget then ung paraan ng pagtuturo, ung mga extra curriculum at activities sa loob ng school, kasunod niyan ung layo ng school importante un base sa experience ko pag malayo ang school mo at traffic lagi kang late :) or mas gusto mo na lang icut ung first subject mo ng buo kasi nga late ka kesa pagalitan ka ni teacher diba...
Since galing ako sa Kilalang Catholic School sa Guadalupe, Makati (1st-2nd year) napakaganda ng pagtuturo nila dun, nung una naiirita lang ako sa kaka Ms. kasi un ung tawag namin sa mga Teachers namin dun siguro ung mga galing ng St. Paul Makati sanay dun kasi Elementary Catholic School naman ang St. Paul? eh ako sa (Public- Nemesio I Yabut na ngayon) Guadalupe Elementary School galing bago kasi sakin ung tawag na ganun kahit may asawa na si Tr eh Ms. pa din :).
Pero hindi biro ang makapasa sa GCS (Guadalupe Catholic School) bago ka maging first year dun dapat grade six pa lang hinanda mo na ung mga grades mo 85 pataas lang ata ang tinatanggap dun nung panahon ko ewan ko lang ngayon :) bukod sa mataas ang tuition fee dapat mataas din ang makukuha mo sa entrance exam nila na talaga namang to highest level and advance which is yun ang maganda. Maraming magagaling na Teacher dun lalo na si Bb. Pen Machate :)
Nakakamiss isa sa pinakamabait at pinakamgaling na Teacher ko yan :) parang hindi lang siya nagbabago birun mo after 19 long years, hindi ko nga alam kung kilala pa ko ni Ms. eh. Syempre marami pang teacher na magagaling sa loob ng GCS hindi ka magdadalawang isip na dun pumasok kung gusto mo ng malupit na standard to the highest level sila.
After 2nd year since kapos sa budget at nagbreak ang nanay at tatay ko bigla akong nilipat nang nanay ko sa AUJASHS, dun nagsimula ang nightmare ng highschool life k,o syempre may magagandang nangyari din sa kin ung gaya ng mga totoong tropang hanggang ngayon eh tropa pa din... pero pag dating sa grading system at pagtuturo ewan sa langaw, gaya nga ng sabi ko masyadong advance ang GCS so sa AU halos tintake up na namin ung lesson sa GCS kaya madali na sa kin sundan ung sa AU parang inulit na nga lang eh... to my surprise charan!!! first grading oh my! complete attendance in fairness, walang late baguhan eh bawal pa magpasaway :D grabe ang tino ko ha tapos ang isasampal saking grades 78,77,79,76?????? sa GCS advance na turo ni wala kong line of 7, pinakamababa ko na ata ang 85 dun nak ng pitong kuba, anyare AU??? hanggang fourth grading puro ganun ang grades wow nakaka push naman mag aral, nakakamotivate naman ung mga grades ko diba perfect attendance at ang tataas ng mga grades ko sa quizzes at periodical exam pero sa card ganyan ang grades hala! bakit?!? di ko alam anong ginagamit ng AU sa pag compute ng mga grades in fairness o dahil transferee ako at ang section dun first pay first serve basis sa tuition fee??? kaloka....
Kaya nung nag 4th year ako sumakit ang ulo nilang lahat sa kin ako ba naman hindi na pumasok eh pero pag may mga quiz at test present :D taka sila kasi mataas pa din scores ko kahit di ako napasok at sistema ganun pa din ang grades walang pinagbago, ano ba naman tong eskwelahan na to, nyahahah ganda nga ng form 137 ko 1st to 2nd year gaganda ng grades pagdating ng 3rd to 4th year parang nag landslide..... grumaduate ako ng may 76 na average ganda diba....kaya nauwi din ako sa private na college ang TRACE MAKATI sila lng ang tumanggap sa grades ko eh :D.....
Kaya naman sa mga mag hihighschool sana lang makakuha kayo ng school na matino kasi yung high school niyo ang magbibigay ng magandang direksyon ng College life niyo... Good Luck :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento